eto yung happenngs na pinapangarap ko na mangyari samin ng babaeng mamahalin ko at mamahalin ako. pero pangarap lang naman eh hiindi mo alam kung matutupad ba o hindi.. kaya i can never tell if this dream will come true!
Wala Kang Mapapala!!
Kung Wala kang ginagawa!!!
Home Alone
ganito pala yung feeling ng magisa sa bahay yung wala kang kakilala, at nasa bahay lang ng mag isa, nagtitinda sa sarisari store, sa totoo lang naboboring na ako sa ganito! at namimis ko na yung hometown ko yung mga ginagawa ku sa amin hindi ko magawa dito.. hindi tuloy ako makapag adjust sobrang mis ko na talaga ang pantal lalo ngayun bangus festival at hindi ko man lang masulyapan ang mga mangyayari.. iba talaga pag nasa sarili mong bayan lahat ng mga bagay na kasama sa paglaki mo hindi mo mkakalimutan, masaya man o malungkot. lalo na sa mga barkada,classmate,kaibigan at jowa.. ano ba to na memental block tuloy ako siguro dahil na rin sa umiikot ang utak ko sa mga nangyayari dun samin.. yung time na nasa beach kami at yung time na kaharap namin ang isang bote ng alak, na kung saan lahat ng biro ay nasasabi lahat ng klase ng istory nasasabi kahit hindi dapat„ lalo na nung time na nagiinoman kami at biglang may lumapit na lasing hinahamon kami. yun lang wala na akong masabi eh kwentong buhay lang naman…
Folk rock ang trip!
Alam nyo ba yung mga bandang ASIN (salt), ewan ko ba kung bakit nagugustuhan ko tong kanta nila lalo na yung cotabato kasi minsan naaalala ko yung kwento nung panahon ng dektatoryal. kasi nabasa ku sa siang site lahat daw ata ng kanta nila eh nagpaparinig sa mga religious group na nagaaway dahil sa kany kanyang paniniwala. parang ngayun usong kanta na nagpaparinig eh ginagamitan ng rap katulad na lamang ni gloc 9 yung kanta nyang balita na new version lang din ng kanta ng ASIN at yun pang kanta na upuan, ewan ko ba kung bakit yan yung mga trip kong pakingan yung mga 70’s 80’s 90’s, siguro alam ng mga lumang tao yung mga kanta sa mga taon na yan. yung tipong pag naririnig nila napapatahimik tapos napapakanta hindi tulad ngayun na pag naririnig nila mga kanta ngayun naiinis sila peru pag kabataan ang nakikinig para silang nagkokonsert na kumanta, ayus noh? generation by generation„ peru ako hindi man ako ipinanganak nung mga taong iyon dama ko pa rin mga naranasan nila pag naririnig ko ang kanta nila..
mostcheerful:
It’s not about what you’re gonna build. It’s about what you’re gonna kill! #SaveBaguioPineTrees
Mr. Henry Sy, you’re parking at the wrong tree!!!
(via boss-h-i-n-g-tacka)
Balang araw
magiging akin ka din!
wow!!!
sabado ngayon ang araw na ito ay kilala ng mga trbahador bilang sabado night! kasi tulad kong isang labor sa isang construction. sabado pa lang may sweldo na kami kaya SABADO NIGHT!! ngayung araw na ito araw ng pagbabayad ng utang,paginom at jamming with friends, kaso nga lang dahil sa ilang linggo na rin akong hindi tumotulong sa mga gastusin sa bahay naiisip ko na ibigay muna kay inay ang isanng linggong sahod para naman may kwenta din ako sa pamilya namin kahit na kunti lang! kaso ang isang gumugulo sa isip ko ay ang hindi ko man lang nakasma ang mga katropa, inisip ko tuloy yung mga nasabi nila tungkol saken siguro nga gusto ko silang makajamming kasi ayaw kung maramdaman nila na isa akong makasarili, kasi nasasabi lang nila yun dahil nung sila ang may pera at ako naman wala! felling ko ako lang yung minamurder lang nila kasi wala naman syang mahihingi sakin.(kasi nga liscensed tambay ako) “anu magagawa ko tambay lang naman ako nun! peru ang punto ko ay ang araw na ito! hindi man lang ako nagpakita sa kanila dahil nga walang pera! may sweldo ako kaso lang hindi ko magastoskasi hindi naman hinahawakan, kaya sana naman kahit papano maintindihdan at maramdaman nila yung hirap namin para maintindihan nila kung bakit minsan nagiging selfish ako„,
nasulat ko lang naman to kasi lasing at nagpupuyat bako ngayun!!!
noon at ngayon!
noon-ako lang ata ang pinakabata sa mga katropa ko! laging parang buntot kahit saan sila pumunta lage akong kasama.. pag umiinom sila andun ako hindi naman ako umiinom kaya ako na lang ang utusan nila, hinding hindi ko makakalimutan ang mga masasayang araw na yun.sayang nga lang at madalang na kami magsama yung mga iba nagkany kanya buhay na madalang na lang makita kung makikita mu naman iba na ang kasama, kaya kahit ako napilitan na ring maghanap ng ibang katropa.
ngayon-may trabaho na ako madalang na rin akong magtamabay pag may oras hahanapin ang tropa magyaya akong uminom iinom ng konti kwentuhan ng madami paguusapan ang nakaraan„
ang sarap pala ng buhay ng isang binata kaya habang wala pa akong prioredad sinusulit ang pagiging binata.
note: mahirap pala gumawa ng blog!
para ka lang nag-aaral ng paulit-ulit
gusto kong magsulat ng blog na tunkol sa isang bagay peru hindi ko alam kung paano ako maguumpisa naalala ko tuloy yung time na nasa high school kami merun kasing pinapagawa ang teacher namin sa filipino ewan ko na kung ano yun basta ang alam ko lang magsusulat ka ng isang kwento ata yun, kasi nung oras na yun wala lang talaga akong maisip kahit na nung elemetarya may ganun din na nangyari peru wala ako maiisip,parang inuulit lang ang lahat! hay naku buhay!
naalala ko tuloy to!

ito yung picture namit ng mga katropa ko sa isang patay dati nung lagi kami magkakasama ng mga katropa ko noon. nung nakita ko ito sa facebook album ko, nalala ko tuloy yung gabi na nangyari ito nung una nagkayayaan ng card game na lucky-9 isang uri ng sugal na pwede mung laruin. sa sitwasyong ito ang matalo mapapahiran ng uling sa kahit anung parte ng mukha, sa una ayaw kung sumali sabi ko “ayoko malayo pa ang paghuhugasan ko ng mukha” kaya yun hindi na ako pinilit habang may natalo naisip ko “picturin ko kaya sya”. at yun madami din ako nakuhang picture nila bawat matalo may picture,hanggang sa napasali na rin ako kahit na pinagtitinginan na kami ng mga tao pinapabayaan lang namin sila importante may saili kaming pamamaraan upang maging masaya.
nakakamiss lang talaga ito kaso ngayun parang wala na… isa na lang itong ala-ala na sa tuwing titignan ko sa facebook ay matatawa lang ako„
1/4 older »
|